Skip to main content

Bayan ng Llanera Tumamggap ng Medical Equipments

Tatlong (3) ZEISS AXIOSCOPE 20 MICROSCOPES ang tinanggap ng Pamahalaang Bayan ng Llanera mula sa Trinity Baptist Church (California, USA) katuwang ang Sta Barbara Christian Fellowship Church sa ginanap na Turn-Over Ceremony kahapon, July 31, 2023 sa Llanera Evacuation Center, Bagumbayan, Llanera, Nueva Ecija.
Ayon sa ating Punong Bayan Ronnie Roy G. Pascual, na isang Registered Medical Technologist, napakahalaga ng mga kagamitang ipinagkaloob upang mapaunlad pa lalo ang serbisyo medikal sa Bayan ng Llanera. Makatutulong ito sa upang mas maging maayos at de-kalidad ang serbisyo sa ating Medical Laboratory na bahagi ng ating Rural Health Unit-Llanera.
Maraming salamat po at patuloy po tayong pagpalain ng Poong Maykapal.
Official Website of Municipality of Llanera