Skip to main content

BAYAN NG LLANERA TOP 4 SA MROPV-SIA ACTIVITY SA BUONG LALAWIGAN NG NUEVA ECIJA

Pagbati sa Pamahalaang Bayan ng Llanera sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan Ronnie Roy G. Pascual at sa RHU-Llanera na pinangungunahan ni Dr. Mylene N. Villarosa sa pagkamit ng natatanging karangalan bilang TOP 4 sa MROPV SIA Activity sa buong Lalawigan ng Nueva Ecija. Ang Bayan ng Llanera ay nagkamit ng 95.71% coverage ng nabakunahang 9-59 months na bata bilang proteksyon laban sa mga sakit na Measles, Rubella at Polio.
Kinikilala ng Pamahalaang Bayan ng Llanera ang mga masisipag na kawani ng RHU-Llanera kasama ang mga Barangay Health Workers at volunteers sa naging tagumpay ng nabanggit na programa.
Sulong Kalusugan!
Sulong Llanera!

Official Website of Municipality of Llanera