Skip to main content

Bayan ng Llanera Top 2 sa Buong Lalawigan ng Nueva Ecija sa MNCHN-RH Situational Report 2022

Isang karangalan na naman ang nakamtan ng Pamahalaang Bayan ng Llanera sa pangunguna ng ating mahal na Punong Bayan Ronnie Roy G. Pascual at ng Rural Health Unit-Llanera na pinangungunahan ni Dr. Mylene N. Villarosa.
Ayon sa Maternal, Newborn, Child Health & Nutrition – Reproductive Health Situational Report noong 2022, ang Bayan ng Llanera ay nakapasa sa 13 indicators mula sa 17 MNCHN-RH indicators na inilabas ng Department of Health. Ito ay ang mga sumusunod:
Maternal Mortality Ratio
Infant Mortality Rate
Prevalence of Stunting among Under-five Children
Modern Contraceptive Prevalence Rate
Adolescent Birth Rate
Incident of Low Birthweight among Newborns
Percent demand satisfied with modern family methods
Completed 4 Antenatal Care Visits
Faculty Based Delivery
Delivery by Skilled Health Professional
Completed 2 Postpartum visits
Neonatal Mortality Rate
Exclusive Breastfeeding
Bagamat hindi nakamit ng Bayan ng Llanera ang Target ng DOH na 95% Proportion of Fully Immunized Child, #1 o una naman ang Bayan ng Llanera sa buong Nueva Ecija sa accomplishment score nito na 81.86%
Maalalang noong 2021, nasa ika-anim (TOP 6) na pwesto ang Bayan ng Llanera sa MNCHN-RH Situational Report. Umakyat ito sa ikawalawang pwesto (TOP 2) sa 2022 Situational Report. Hangarin ng Bayan ng Llanera sa pamamagitan ng RHU-Llanera na mapanatiling mataas ang kaledad ng serbisyo publiko sa sektor ng kalusugan.
Kinikilala ng Pamahalaang Bayan ng Llanera ang husay at galing ng mga kawani ng RHU-Llanera, mga widwives, mga Barangay Health Workers, Barangay Nutrition Scholars at mga HRH nurses na nakatalalaga sa ating bayan.
MABUHAY!
Sulong Kalusugan!
Sulong Llanera!

Official Website of Municipality of Llanera