
Basil Program ng BFAR Region III
Ang Basil Program ng BFAR Region III ay may layunin na muling buhayin ang mga lawa at ilog sa pamamagitan ng pagbabalik ng mga katutubong isda sa mga ito .
Mapalad ang Bayan ng Llanera na mapagkalooban ng ganitong programa sa pakikipag-ugnayan ng Municipal Agriculture Llanera at ng OPA sa BFAR Region III.
Ang Vaca Dam Fisherfolks Association ang naging benipisyaryo at nanguna sa paglilinis ng ilang bahagi ng Vaca Dam at pagbuo ng “Brush park” kung saan inilagay ang mga breeders ng mga katutubong isda.
14 na miyembro ng Vaca Dam FA ay pinakalooban ng halagang 3,500 upang kabayaran sa kanilang isinagawang paglilinis sa loob ng 10 araw.
Ako po at ang Vaca Dam FA ay lubos na nagpapasalamat sa BFAR Region III, Dir. Wilfredo Cruz, Sir Al Dimaquibo, Sir Jun Dela Vega Coloma, at sa ating butihing Mayor Ronnie Roy Pascual at Vice Mayor Frank Natividad sa kanilang walang sawang pagsuporta sa programang ito.
Sa aming dating MAO Elizabet Pacada at sa aming kasalukuyang MAO Loulex Corpuz, sa aming Organic Agri Coordinator Jordan Sibuma at Mildred Santos, sa ating Municipal Tourism Officer at Admin Ali Galindez Jr. walang sayang pagtulong upang maisakatuparan ito.
Ito pa lang po ang una sa mga hakbang upang mapanumbalik ang dating sigla ng Vaca Dam at mapaunlad ang turismo sa ating bayan.