Skip to main content

BAGYONG MAYMAY, HALOS PAREHAS LANG NI KARDING NG DADAANANG MGA BAYAN SA NUEVA ECIJA – PAGASA

Halos parehas lang sa dinaanan ng Bagyong Karding ang magiging track ng Bagyong Maymay, ito ang sinabi ni PAGASA meteorilogist Roger Manuel sa naganap na Pre-Disaster Risk Assessment ng PDRRMC kaninang umaga.
Sa ipinakitang track ng PAGASA lumalabas na posible itong dumaan sa mga bayan ng General Tinio, Peñaranda, San Leonardo, Jaen at San Antonio.
Dahil kasalukuyang umaani pa lamang ang mga magsasaka ay naging madiin ang panawagan ni Provincial Agriculturist Bernardo Valdez na anihin na ang nasa 112, 795 hectares na matured na palay bago pa man tumama ang bagyo.
Dagdag pa ni PA Valdez, bukod sa mga aanihing palay ay marami na rin sa ating mga kababayan ang nagsimula nang mag tanim ng mga sibuyas na maaaring masira rin sa pagdaan ng bagyo.
Agad namang sinimulan ng PDRRMC ang 24/7 monitoring ng Bagyong Maymay upang malaman ang track nito at mapaghanda ang mga mamamayan na maaaring maapektuhan ng bagyo.
courtesy : PDRA-Nueva Ecija

Official Website of Municipality of Llanera