Skip to main content

Awarding Ceremony ng Pitik Paskuhan at SK Parol Competition

Mabuhay!
Pagbati sa Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Llanera sa pangunguna ni Kgg. Catherine Capinlac, sa matagumpay na Awarding Ceremony ng Pitik Paskuhan at SK Parol Competition na ginanap kahapon, December 23, 2023 sa Lagasca Avenue, Llanera, Nueva Ecija.
Ayon sa mensahe ng ating Punong Bayan Ronnie Roy G. Pascual, masaya siya na aktibong nakikibahagi ang Sangguniang Kabataan sa pagpapa-unlad at preserbasyon ng kultura sa ating bayan kung saan naipakita ng mga kabataan ang kanilang husay at galing sa sining ng paggawa ng mga natatanging parol mula sa mga indigenous at recyclable materials.
Naging hurado sina G. Mark Lyndon Baquirin, Tourism Officer at LYDO ng bayan ng Sto. Domingo, G. Harley Ortiz, Tourism Officer ng Bayan ng Zaragoza at si Arch. Carlo Corpuz, dating SK Chairperson ng Barangay Gen. Luna.
Maraming salamat sa mga Barangay na aktibong lumahok sa ating programa:
Barangay Bagumbayan
Barangay Mabini
Barangay San Vicente
Barangay Inanama
Barangay Caridad Norte
Barangay Bosque
Barangay Andres Bonifacio
Barangay San Felipe
Barangay San Nicolas
Pagbati rin sa mga nagsipagwagi sa Parol Making Competition bilang bahagi ng ating Paskuhan 2023.
CHAMPION, BEST DESCRIPTION at PEOPLE’S CHOICE AWARD: Sangguniang Kabataan ng Barangay Andres Bonifacio sa pangunguna ni Kgg. Marveil Labiano
2ND PLACE: Sangguniang Kabataan ng Barangay Inanama sa pangunguna ni Kgg Dave Mabuti
3RD PLACE: Sangguniang Kabataan ng Barangay Bosque sa pangunguna ni Kgg. Rhona Buccat.
Ginawad din ang parangal sa mga nagsipagwagi sa Pitik Paskuhan 2023. Narito ang mga nagsipagwagi:
CHAMPION: Robert Monroy ng Barangay Victoria
2nd PLACE: Jason Panginen ng Barangay Gen Ricarte
3rd PLACE: Flor Panginen ng Barangay Gen Ricarte
PEOPLE’S CHOICE AWARD: Angelica Agulan ng Barangay Gen. Luna
Maraming salamat po sa lahat ng lumahok sa ating patimpalak. Gayundin sa ating mga sponsors na sumuporta: Mayor Ronnie Roy G. Pascual at sa kanyang maybahay Dr. Malou L. Pascual na nagbigay ng P10,000.00 para sa Unang Gantimpla, at sa Avoda Green Ventures Inc na nagbigay naman para sa Ikalawa at Pangatlong Gantimpala. Maraming salamat din po sa mga organizers na nanguna sa programa, Pederasyon ng Sangguniang Kabataan ng Llanera, at mga kawani ng Tanggapan ng Punong Bayan at Tanggapan ng Pambayang Turismo, Kasaysayan, Sining at Kultura. Maraming salamat din kina Bb. Jennah Mae G. Corpuz ng Municipal Treasurer’s Office at G. Jericho Joshua G. Natividad ng RHU-Llanera at sa naging tagapagpadaloy ng palatuntunan na si G. Noel M. Antolin.

Official Website of Municipality of Llanera