Skip to main content

Awarding Ceremony ng Philippine LEAF Award

Mabuhay!
Pagbati sa aming mahal na Punong Bayan, Ronnie Roy G. Pascual at Dr. Rommel V. Espejo bilang mga Bayani ng Sining at Kultura ng Bansa. Iginawad ang parangal na ito sa katatapos na Awarding Ceremony ng Philippine LEAF Award sa Manila Metropolitan Theater.
Ang pagkilalang ito ay ibinigay sa ating Punong Bayan bilang nag-iisang Lider-Pulitiko na may taos at mataas na pagmamalasakit, pagpapahalaga at pagyabong ng Sining at Kultura ng Bayan ng Llanera at ng bansa at sa isang manggagawang kultural at propesor na mayroong wagas at tunay na layunin para sa sining at kultura.
Kinararangal po namin ang iyong tagumpay. Ang parangal na ito ay resibo ng taos ninyong pagmamahal sa sining at kultura ng ating bayan.
Pagbati po!

Official Website of Municipality of Llanera