Skip to main content

ANNUAL ASIAN WATERBIRD CENSUS (AAWS)

January 25, 2024
Ginanap noong January 25 ang Annual Asian Waterbird Census sa Vaca Creek na matatagpuan sa Barangay San Vicente dito sa Bayan ng Llanera. Ito ay isa sa mga rehistradong water system sa Bayan. May lawak itong 308,952.3712 metro kuwadrado (area) na may lapad na 12.8 metro at haba na 24,136.904 metro.
Ang Vaca creek ay isang catchment basin ng Vaca Rubber Dam na nagsisilbing mapagkukunan ng tubig para sa mga kalapit na palayan. Bukod dito, pinagmumulan ito ng pagkain sa pamamagitan ng pangingisda at pag-aani ng kangkong.
LAYUNIN NG CENSUS ANG MGA SUMUSUNOD:
a) pagkakaroon ng batayan sa populasyon/bilang ng mga waterbird;
b) masubaybayan ang pagbabago sa bilang ng mga waterbird;
c) mas mapalawang ang kaalaman kaugnay sa waterbird species at wetland site;
d) pagtukoy ng mga “site” na mahalaga para sa mga waterbird at pagtukoy sa mga “site” na kwalipikado bilang Wetlands of International Importance sa ilalim ng Ramsar Convention on Wetlands;
e) pagbibigay ng impormasyon sa pangangalaga sa waterbird species na maaaring magamit sa mga International Agreements; at
f) mapataas ang kamalayan ng bawat isa sa kahalagahan ng mga waterbird at ng kanilang mga tirahan.
RESULTA NG CENSUS:
5:30 am, sinimulan ng grupo ang census na binubuo ng PENRO Nueva Ecija, CENRO-Science City of Muñoz, LGU-Llanera, Mayor’s Office Staff, MDRRMO & MENRO Staff at mga kinatawan ng Barangay San Vicente. Naglakad ang grupo ng 265-meters mula sa entry point ng linear park sa loob ng perimeter kung saan makikita ang sapa.
Mula 6:00 am hanggang 9:00 am, ang grupo ay nakapag-dokumento ng kabuuang labintatlong (13) species ng ibon. Pito (7) ang migratory birds at anim (6) ay Intermediate Egret na ayon sa mga residente ay karaniwang lumilitaw na species ng ibon sa sapa o tinatawag nilang “Tagak”.
Sa pangkalahatan, ang 13 species ng ibon na nakita sa sapa ay isang magandang senyales na ito ay maaaring maging natural na tirahan ng mga migratory birds sa panahon ng kanilang pagpapadami.

Official Website of Municipality of Llanera