Skip to main content

9th Central Luzon Excellence Awards for Health 2023

MABUHAY!
Pagbati po sa Bayan ng Llanera sa pamumuno ng ating Punong Bayan, Kgg. Ronnie Roy G. Pascual sa nakamit na tagumpay sa 9th Central Luzon Excellence Awards for Health 2023. Nakamit po ng ating Bayan ang Bronze Award para sa MNCHN-RH (Maternal, Newborn, Child Health & Nutrition – Reproductive Health) Champion.
Ang parangal po na ito ay para sa bawat isang Llanerano at ito ay magsisilbing inspirasyon lalo na sa Rural Health Unit sa pangunguna ni Dra. Mylene Villarosa upang mas lalo pang itaguyod at protektahan ang kalusugan ng mamamayan.
Tatlo lamang po sa buong lalawigan ng Nueva Ecija ang nakatanggap ng parangal kasama ang Bayan ng Bongabon at Bayan ng Sto. Domingo.

Official Website of Municipality of Llanera