Skip to main content

2023 SANGGUNIANG KABATAAN PAROL MAKING CONTEST

2023 SANGGUNIANG KABATAAN PAROL MAKING CONTEST
Tema: Isang Ilaw, Isang Kultura, Isang Pag-Asa
December 23, 2023
6:00 pm
Municipal Compound
MGA ALITUNTUNIN NG KOMPETISYON
1. Ito ay bukas sa lahat ng Barangay sa pangunguna ng mga SK Chairpersons. Isang parol lamang ang maaaring ilahok ng bawat Barangay.
2. Ang hugis, disenyo at anyo ng parol ay nakadepende sa mga kalahok. Ang laki ng Parol ay hindi dapat bababa sa 4 feet width x 4 feet height.
3. Ang mga kalahok ang gagawa at magpo-provide ng sariling “stand” ng parol. Ang hugis, disenyo at anyo ng “stand” ay nakadepende rin sa mga kalahok.
4. Dapat siguruhin ng mga kalahok na matibay at matatag ang parol sa anumang kondisyon ng panahon.
5. Kombinasyon ng 50% Recycled at 50% Indigenous Materials ang dapat gamitin sa paggawa ng Parol. Siguraduhing mayroong pagkakakilanlan ng inyong Barangay ang parol na inyong gagawin. (Maaaring sa pamamagitan ng Pangalan o Logo ng inyong Barangay).
6. Ang paglalagay ng ilaw sa parol ay kinakailangan. Maaaring gumamit ng Christmas Lights, bumbilya at iba pa na mas makakapagpaganda sa kabuoan ng parol. Ngunit, ang paggamit ng mga kandila at apoy ay hindi pinahihintulutan.
7. Ang lahat ng mga parol na kalahok sa kompetisyon ay dapat maipasa/maibigay sa December 19 (Martes) sa tanggapan ng Pambayang Turismo hanggang ika-12:00 ng tanghali.
8. I-a-upload sa SULONG LLANERA facebook page ang lahat ng mga larawan ng parol para sa pagpili ng People’s Choice Award.
9. Pipili ang bawat Barangay ng isang kabataan na magbabahagi ng “description” ng parol sa December 23. Kasabay din nito ang Awarding Ceremony.
——————————————————
PAMANTAYAN SA PAGHUSGA
Tibay at Pagkamalikhain – 50%
(Ganda, Linis, Hikayat)
Paggamit ng Materyales at Pagsunod sa Sukat – 25%
Simbolo at Kaugnayan sa Tema – 15%
Deskripsyon – 10%
KABUOAN – 100%

Official Website of Municipality of Llanera